Monday, March 21, 2011

PARA SA 3-SCIENCE

ISANG PAMAMAALAM SA AKING MGA KAIBIGAN

PARA SA LAHAT NG 3-SCIENCE:
3-Science Your The One
            I’m happy para sa mga classmates ko na matitira. Kahit 19 nalang kayo gawin niyo paring masaya ang ating seksyon kahit pa ang mga natanggal ay yung mga sabihin na nating talagang maingay at palabiro. Huwag niyong gawing boring an gating seksyon dahil sa loob ng halos tatlong taong ating pagsasama ay nagging malaking usap-usapan sa Dizon High an gating seksyon lalong lalo na sa mga Faculty Rooms. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nangyaring nakakatuwa at memorable sa ating mga kaklase. Sana kahit natanggal man kaming 14 ay wag ninyong makalimutan ang mga bagay at pangyayari na kasama kami sa lumipas na tatlong taon. Sana ay walang lumaki ang ulo sa inyo. Patulog narin lang kami sa Scicamp ha.. sana yung friendship sa bawat isa sa atin ay wag mawala. Naging masaya man tayo sa lumipas na tatlong taon alam kong darating tong tym na to- ang magkakahiwahiwalay tayo. Hindi ko pa naman to napaghandaan pero tanggap ko narin naman. Sa ngayon ay lulubos lubosin ko nalamang ang mga araw na makakasama ko kayo sa ating classroom. Next school year malayo na room naming sa room niyo. Hehehe Masaya man kaming tingnanpero nagtatago sa aming pagkatao ang sakit at lungkot habang paunti na ng paunti ang mga araw na makakasama ko kayo.

Sunday, February 27, 2011

Talambuhay


Talambuhay ng CraziNISE Princess na si Maria Denise Dealino

                Ako si Maria Denise M. Dealino, ipinanganak sa Lungsod ng San Pablo noong ika-11 ng Enero taong 1996. Anak nina Danilo V. Dealino at Mary Jane M. Dealino. Panganay sa dalawang magkapatid. Ang bunso ay si Darell John M. Dealino. Una kaming tumira sa Sambat ngunit lumipat kami sa Brgy. Sta MariaMagdalena noong ako ay limang buwan pa lamang. Doon ako nagdaos ng aking unang kaarawan kasama ang aking buong pamilya. Wala pa akong isang taon nakalalakad na ako  at ilang buwan bago ako magdalawang taon ay nakakapagsalita na ako.
                Sabi ng aking mga magulang ay magiliw  na magiliw daw sakin ang aking lolo at lola dahil ako ang kanilang unang apo na babae. Natuwa naman ako sa kaalamang itodahil kahit lagi nila akong pinapagalitan dati ay mahal nila ako at gusto lang nila akong itama. Sa aking natatandaan tatlong taong gulang palang ako ay tinuturuan na ako ng aking ina na isulat ang aking buong pangalan , edad at pangalan nila ng aking ama.
                Apat na taon ako ay marunong na akong magbasa at alam ko narin ang mga letra sa alpabeto. Ginagabayan nilang mabuti ang aking pag-aaral kahit di pa ako napasok sa eskwelahan. Tinuturuan nila ako ng magandang asal tulad na lang ng pagmamano sa nakatatanda at paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga mas matanda sakin. Marami silang naituro sakin kaya’t bago ako pumasok sa paaralan ay may alam na ako.
                Hindi ko makakalimutan noong bata pa ako ang regalo sakin ng aking mga magulang noong ikalimang kaarawan ko. Isa iyong telebisyon. Iyon ang telebisyon na ipinangako nila sakin dahil simula noong ipanganak ako ay wala kaming t.v. hindi naman kami mayaman ngunit hindi rin mahirap, tama lang pero lumaki ako na sunod ang luho kaya kahit anong hingin ko ay ibinibigay nila. Siguro kaya nila ako pinalaki na ganoon dahil ako palang naman ang anak nila. Hanggang sa ipinanganak ang aking bunsong kapatid na si DJ. Ang atensyon na dati kong nakukuha mula kina mommy at daddy ay pansamantalang nawala dahil narin sa sabik silang magkaroon ako ng kapatid. Dahil dito nawili ako mamalagi sa bahay ng aking lola.
                Nagsimula ang pasukan sa kinder lagi nila akong hinahatid sa umaga at kinakaon sa hapon. Pagkatapos ko sa eskwelahan ay diretso agad ako sa aking kapatid upang ito ay alagaan. Dahil dito bihira nalang akong makipaglaro sa aking mga pinsan ng bahay-bahayan.
                Ganun parin ang Gawain nina mommy at daddy noong ako ay mag elementarya. Sabi ng mga guro ko ay napaka aktibo ko daw sa paaralan at napakadaldal. Natapos ko ang unang baitang at ako ay naging 2nd achiever. Noon naming nasa ikalawang baitang ako , hindi ko makakalimutan noong pinaiskwat kami ng aking guro dahil sobrang ingay naming magkakaklase. Nakakatakot magalit ang aking guro ngunit napakagansda niya kapag hindi sya galit at kapag siya ay nakatawa. Ngunit kahit nangyari iyon natapos ko ang ikalawang baitang na ako ay 2nd honor. Napakasaya ko noon dahil dati ako ay achiever lang pero naging honor.
                Noong ako ay nasa ikatlong baitang ay napakaganda at napakabait ng guro naming. Dalaga pa siya noon. Siya ay si Bb. Belen B. Belen. Napakagaling niyang magturo. Hanga ako sa tiyaga niya sa pagtuturo sa amin kahit pa kami ay may pagkamagulo. Lagi kami noon nasali sa iba’t ibang kumpetisyon sa eskwelahan at kahit sa labas ng aming paaralan. Hindi ko makakalimutan ang pagsali ko sa Battle of the Stories na ginanap noon sa Sta. Felomina. Hindi ako makapaniwala ng ako ay manalo. Natapos ko ang ikatlong baitang at dito ako ay  naging 2nd honor muli.
                Dumating muli ang pasukan at ako ay nasa ikaapat na baitang na. Dito ay marami na akong dapat gawin upang mapanatili ang aking pwesto sa honor. Kung saan-saan ako noon sumasali upang magkaroon ng tinatawag na extracurricular activities. Dito ako nakaranas na maging president ng aming klase.
                Mahirap man supilin ang kalokohan ng aking mha kaklase pero ayos lang naman dahil isa naman itong masayang karanasan. Sa tingin ko naman ay nagampanan ko ng ayos ang aking tungkulin  dahil ginawa ko ito sa abot ng aking makakaya.  Natapos ko ang ikaapat na baiting ngunit ditto ay 3rd honor na lang. Ngunit di ako naka attend ng recognition dahil kasabay ng recognition ang pagdating ng tita ko galing sa Chicago.
                Nagbakasyon ako sa bahay ng lola ko upang makasama ang aking tita ko dahil halos limang taon ito hindi umuuwi. Wala kaming ibang noon kundi ang mamasyal,magpunta sa mall at kung saan-saan pa. Mabilis lumipas ang araw kailangan ng bumalik ng tita ko sa Chicago. Pagkauwi ng tita ko ay umuwi narin ako samin.
                Hindi nagtagal ay nagpasukan na muli. Ako ay nasa ika-limang baitang na. Mabilis limipas ang mga araw at recognition na dito ay naging 3rd honor ulit ako.
                Pagkatapos ng bakasyon balik eskwela na naman. Nasa ika-anim na baitang na ako at ang kahuli-hulihang baitang sa elementary.
                Mabilis ang mga araw na nagdaan at eto na at gagraduate na ako sa elementarya. Hindi man naming gusto magkahiwahiwalay na magkaklase ngunit kailangan dahil kami ay magtatapos na. Ang araw n gaming pagtatapos ay parang araw ng mga luha dahil ito ang huling araw naming magkakasama. Ginawa namin ang lahat ng pede naming gawin upang masulit  naming  ang araw ng aming pagtatapos.
                Hindi natapos ang pagkakaibigan naming dumaan ang bakasyon at maka ilang ulit kaming magpicnic sa bahay ng kaklaseko minsan pa nga nagpunta kami sa tabing ilog upang doon ay mag picnic.
                Kumuha ako ng exam sa Dizon High para sa Science Section at sa kabutihang palad ay nakapasa ako. Dito na nag simula ang aking bagong buhay sa High School. Sa unang araw ng pasukan medyo nagkakahiyaan kaming 15 na magkaklase. Sa ikalawang araw ng pasukan ay nadagdagan kami ng 20 pang estudyante mula sa 1-A.
                Nagsimula ang bagong pagkakaibigan sa aming mga bagong kaklase. Sa simula pa lang ng pasukan ay naging magkakaibigan agad kami. Nagkaroon din samin ng mga munting di pagkakaintindihan ngunit agad din itong naayos bago matapos ang isang taon. Di din miiwasan magkaroon ng bagong mga honors.
                Dahil na rin sa ako ay high school na kinailangan ni mommy na mangibang bansa upang mapag aral kami ng aking kapatid. Noong una ay mahirap pa ito para sa akin at pinipilit parin naming sanayin an gaming mga sarili na wala sya sa aming tabi. Unang beses ko noong magdaos ng kaarawan na wala si mommy.
                Dumating muli ang pasukan. Ako ay nasa 2nd year high school na mula sa 35 ay naging 33 na lng kami dahilnagtransfer ang dalawa sa kanila. Nagpatuloy ang pakilala naming lahat sa isat isa. Dito ay may mga bagong pagkakaibigang nabuo mula sa aming magkaklase. Kung dati ay may T.S.I.L ngayon ay nagkaroon ng ibang grupo tulad na lang ng grupong artista. Kami yun nina lieva. Meron din naman PCG kami naman un nina Kim r. Sa dami ng bagong grupo pinagsasabihan kami ng guro namin dahil hindi daw maganda na magpangkatan kami dahil isa na daw kaming pangkat. Ngunit kahit ganoon andun parin ang ibat ibang pangkat at di nawawala.
                Di din mawawala sa amin ang kompetisyon sa pagiging 1st honor  ang titulong ito ay pinaglalabanan nina lieva at marian at sa aking natatandaan ay c marian ang naging 1st honor noong 2nd year high school kami.
                Nang magbakasyon ay ginugol ko ang buong 2 buwan sa cabuyao, Sa bahay ng aking lola. Dito ko na nakasanayan magbaksyon taon taon upang kahit papano ay mapalayo sa aking paaralan. Dito ay tumutulong ako sa aking titan a alagaan ang kanyang dalawang cute na cute na anak na sina ian rovic at erah lujille . Isa sila sa mga dahilan kaya nawiwili akong magbakasyon dito.  Di din mawawala ang pamamasyal naming magpipinsan. Minsan ay niyaya kami ng aming tito na pumunta sa UP napakaganda dito talagang napakalaki din.
                Matapos ang halos dalawang buwan kong bakasyon ay umuwi na ako samin bago mag fiesta dahil inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase, ngunit sa lahat ng mga sinabihan ko isa lang ang pumunta at iyon ay si recy.
                Matapos ang bakasyon ay parang mabilis na hinila ang mga araw at ngayon ako ay 3rd year high school na. Kaysarap isipin na sa tinagal tagal ko ng pag aaral ay malayo nadin ang aking nararating at nagbubunga na ang aking mga pag hihirap. Sinasabi din na 3rd year ang pinaka mahirap, at totoo nga iyon. 3rd year din ang pinaka malungkot dahil sigurado na kami mababawasan na naman magkaklase . Mukhang record breaking pa nga eh. Kayat hanggat maari nilulubos na naming ang mga araw na kami ay magkakasama.
                Kamakailan lamang ay idinaos an gaming js. Sinisigurado naming na di matatapos ito ng di kami Masaya bawat oras na lumilipas  ay wala kaming inaaksaya.
                Pagkatapos ng js at nag eco tour ang buo naming section upang magkroon kami ng idea sa gagawing SIP o Science Investigatory Project. Madami kaming napuntahan na lugar parang naging bonding na ito sa aming buong section kasama si Mr. Legaspi an gaming teacher sa research.
                Pagkatapos n gaming ecotour ay hinarap muli naming ang isang dib dibang pag aaral halos di ko na nga namalayan na nag 15 na pala ako dahil sa sobrang busy ng aming schedule. Matapos ang ilang mga araw ay dumating ang isang gabi ng pahinga , Ito ay ang gabi ng concert napakasaya ng naganap na concert. Sa una ay nag iyakan an gaming barkadahan ngunit nakabawi din naman ng magsimula ang kasiyahan
                Heto na , nalalapit na ang muling pagtatapos ng school year na ito. Bakasyon na naman pero bago ito haharapin muna naming ang semi final at finals. Kinakabahan ako dahil papalapit na ng papalapit ang araw ng patatapos.
inabot ako ng 12 para mataopos ang aking talambuhay
                Matatapos na ang mga 4th year ngayong taon  kasama sa mga magtatapos ang aking naging inspirasyon sa mga bagay na ginagawa ko . di naman mawawala sa high school life ang umibig syempre lagi lng yan nandyan. Siguro nga ay bata pa kami at alam kong dadating din kami sa tamang edad. Sa ngayon ay sya ang aking magiging inspirasyon sa lahat ng aking gagawin. Siya ay si Frank Campos Jr J

Monday, February 14, 2011

HIstory of My Blog's Name

 Adventures of the Name CraziNISE Princess
The name CraziNISE Princess came exactly from the word craziness which I added a part of my name. I just came up to this when I remember those crazy things that I’ve done when I was still a kid or to be specific when I was in my elementary days. I always do things on my own that is why I am like a loner before.

Yes, I have friends but I always quarrel with them because of the thought that “what I want is what I get”. I’m wrong with that because I can’t go with my life without my friends beside me. I just then realized I need my friends to accompany me in everything I do. I’ve been so foolish just because of that thought which was killing me inside. I’ve been selfish to my friends and also to my self. That’s my main purpose of naming my blog CraziNISE.

The reason for the princess in my blog's name is because for my parents I’m their one and only princess. That’s why they treasure me that much. Yes they are treating me like a princess but others take it in the negative way. They thought treating me like a princess is such a real big sin. For them a princess doesn’t know how to do chores, it’s true but for me I am different. Yes, I don’t do chores but I know how to do them. I was just born to have a weak stamina that’s why when I do chores I get easily tired. That’s the reason why I don’t usually do chores. Most of the days, I just sit on the front of my study table and read pocketbooks. Well that is life for me. I just don’t want to talk more about it. All I want is to explain the name of my blog.

At first, when our teacher told us about our project in blog, the first name of blog that came to my mind is “the DEN of love” which I adopted from my name. Until our teacher told us not to give a serious name of our blog because what we’re going to post is not that serious type. By then I change the name of my blog to CraziNISE Princess. I like it better because of one reason- I’m still the crazy girl in my elementary days.
I change its name because I want to show the real me to the whole world. Yes I change a lot but it is on the physical side, I grow up but still I’m the girl in my elementary days. It is the real me so I don’t have the reason to change everything about me. I do serious things but still my funny side is not gone. I am born to make others like the real me, not the girl who’s wearing her face on a sleeve. I took my mask off and make the world know more about me when I’m in high school. This is the real me, the CraziNISE Princess myself, Maria Denise M. Dealino.

Essay

I Am a Responsible Netizen
            As a netizen I must be responsible and being responsible is a task for all of us. We make things so easy for us but for all I know being responsible is such a difficult thing. If we know how to be a responsible student we must be a responsible blogger and most specially a netizen.
            What a netizen is? A netizen is the one who mostly uses the internet in most of his or her needs specially us students. Students like me are considered netizen simply because of our need of internet. For instances: doing a research, playing online games, using different internet programs like facebook, gmail, yahoo mail, skype, friendster and mostly blog. Those given sites are just some of the examples of the use of internet. By using some of those sites like blog we can express everything we want- express our happiness, our sadness, our joyfulness, our goals, our triumphs in life.
            There are types of blogs used by the netizen but the well-known is the personal blog which I am task to do one. In this type of blog you can post your literary works or the story of your life, but having those kinds of sites means having a big responsibility to handle. If you can’t handle those things on the right way, don’t oblige yourself to have a real complicated one.
            As for a netizen there are rules and regulations to follow. For I am a responsible netizen I must follow very well those given rules and regulations. Example of those standards: if you want to post something on your blog you must check if your work doesn’t have similarities on other’s work that can be called plagiarism. Another example is that you must check your grammar, especially when your post was on the English language. Always remember that your blog is always open to all, not only here on the Philippines but around the world. It’s a shame for you if you post crazy thing on your blog. Don’t post malicious things on your blog because it would be against you. Even though for you it is not malicious but not all people think as you do. Be responsible in posting comments or works in your blog.
            As for a, netizen be responsible on handling your passwords. Don’t make other people know your passwords. It is because you do those sites for personal purposes so you don’t want to let others interrupt you privacy. As for others you must not invade their privacy too. It is a part of you that not anyone can change. Instead of having so many passwords decide to have one constant password so that it was easy for you to remember it.
            Those above are just some of the ways to be a responsible netizen. For me, I am a responsible netizen because I follow all those standards I just enumerate a while ago . I am a real responsible netizen.

Saturday, February 5, 2011

Film Review

Si Percy Jackson at Ang Magnanakaw ng Lightning Bolt

Nagkita sa taas ng Empire StateBuilding sina Zeus at Poseidon at dito’y inilahad ni Zeus kay Poseidon na may nagnakaw ng kanyang lightning bolt. Inaakusahan ni Zeus na si Percy Jackson na anak ni Poseidon ang nagnakaw ng kanyang lightning bolt. Itinanggi naman ito ni Poseidon. Sinabi niya na walang kaalam-alam si Percy sa tunay niyang katauhan. Dahil sa nalaman , sinabi ni zeus na dapat ay maibalik ni Percy Jackson ang kanyang lightning bolt sa Mount Olympus bago ang susunod na tag-araw kung hindi ay magkakaroon ng kaguluhan sa kanilang mundo.

Sa panahong ito, si Percy ay nasa mundo ng mga normal na tao. Siya ay labing pitong taong gulang na teenager na may kakaibang kakayahan. Kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig ng mahigit pitong minuto na hindi nakakaya ng nakararami sa atin.
Habang nasa kanilang lakbay-aral si percy ay may umatake sa kanyang kakaibang nilalang kung saan siya ay sinaklolohan ni Ginoong Brunner at ng kanyang matalik na kaibigan na si Grover. Dahil sa nalaman nilang dahilan jkung bakit sinalakay si Percy, inatasan ni Ginoong Brunner si Grover na maging “protector” ni Percy. Hindi man niya maintindihan ang mga nangyayari ay wala din naman siyang nagawa. Inutusan ni Ginoong Brunner si Grover na dalhin si Percy at ang kanyang inang si sally sa Camp Half-blood at iwan ang kanyang tamad na ama amahang si Gabe.



Habang nasa daan sila patungo sa Camp Half-blood, ay biglang may bumagsak na baka sa kanilang sasakyan. Pagtingin nila sa paligid ay napansin nilang napapalibutan sila ng baka. Pagklaraan ng ilang minute ay biglang may umatake sa kanilang halimaw na may hawig sa baka. Sa kanilang naisin na makatakas mula sa halimaw ay natuklasan ni Percy na hindi naman talaga pilay si Grover kung hindi ito ay isang kalahating tao at kalahating kambing. Dahil sa sila ay naabutan nito, napilitan si Percy na labanan ang baka gamit ang ballpen na binigay sakanya ni Ginoong Brunner. Inutusan ni Grover si Percy na pindutin ang ballpen para ito ay maging isang espada. Nilaban ito ni Percy hanggang sa matalo ito ngunit huli na ang lahat dahil napatay nito ang ina niyang si Sally.

Nagpatuly si Percy at Grover sa pagtahak sa Camp Half-blood. Narating naman nila ito kinalaunan. Dito niya nalaman ang tunay niyang pagkatao: na siya ay anak ni Poseidon. Napagalaman din niya na isa siyang demigod. Makalipas ang tatlong araw, ay nagsimula na siyang magsanay kasama nina Grover. Nagsanay siya sa paggamit at pagkontrol ng kanyang kapangyarihan. Dito ay nakilala niya si Annabeth na isa ding demigod. Ito ay anak ni Athena ang diyosa ng karunungan. Nagkaroon sila ng pagtutunggali kung saan ay hinati sila sa dalawang grupo. Sa pagtutunggaling ito ay muntik ng mapatay ni Annabeth si Percy ngunit dahil sa paghawak ni percy sa tubig ay muling bumalik ang kanyang lakas at ang lahat ng kanyang sugat sa katawan ay nawala. Sa pagkakataong ito ay natalo ni Percy ang grupo ni Annabeth.

Kinagabihan nagpakita ang aparisyon ni Hades kay Percy. Si Hades ay kapatid ni Poseidon. Ipinakita ni Hades kay Percy ang kanyang inang si Sally at sinabing ito ay buhay pa. Dinala niya lamang ito sa Underworld.Pinigilan ni Chiron si Percy ngunit ipinagpatuloy lamang nito ang planong pagpunta at pagbawi sa kanyang ina sa Underworld. Sinamahan naman siya nina Annabeth at Grover sa kanyang paglalakbay patungong Underworld. Nilapitan niya si Luke upang humingi ng mapa ng Underworld at binigyan naman siya nito kasama na ang isang lumang pananggalang at isang pares ng sapatos na may pakpak.

Hindi nagtagal ay umalis din sila agad. Tinignan nila ang mapa upang malaman angv unang daan papunta sa Underworld. Itinuro nito ang isang halamanan kung saan may nakitang Fountain si Annabeth. Kumuha siya ng ilang barya rito at ipinatago it okay Percy. Dito ay nakasagupa nila ang babaeng may ahas sa ulo na si Medusa.

May kapangyarihan itong gawing bato an g sinong mang titingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nilabanan ito ni Percy gamit ang espadang ibinigay sa kanya ni Ginoong Brunner. Natalo naman ito ni Percy. Pinugutan niya ito ng ulo at saka kinuha ang perlas sa suot nitong bracelet. Dinala nila ang ulo ni medusa at nagpatuloy na sila sa paglalakbay.

Ang sumunod na lugar na itinuro ng mapa ay ang Parthenon sa Nashville. Narito ang pangalawang relas na hinahanap nila. Nakita nila ang ikalawang perlas sa ulo ng estatwa ni Athena. Nakuha nila ang perlas sa tulong ng sapatos na ibinigay ni Luke sa kanya. Dito ay may nakalaban silang Hydra.

Ang Hydra ay isang uri ng Dragon na may maraming ulo. Natalo lang nila ito ng itapat ni Grover sa Hydra ang mga mata ni medusa upang ito ay maging bato. Matapos nilang makuha ang perlas at matalo ang Hydra ay umalis na sila upang hanapin ang ikatlong perlas.

Sa paghahanap nila sa ikatlong perlas ay itinuro ng mapa ang Las Vegas, sa may Lotus Casino. Dito ay kumain sila ng bulaklak ng Lotus kung saan ay nakalimutan nila ang kanilang misyon sa pagpunta nila doon. Hanggang sa matahuhan si Percy dahil sa narinig na boses. Ito ay ang boses ng kanyang amang si Poseidon. Nakuha nila ang ikatlong perlas at nagpatuloy na sila sa paglalakbay papuntang Underworld.

Sa paglalakbay ay itinuro ng mapa ang Hollywood kung saan naroroon ang lagusan patungong Underworld. Dito ay nagamit nila ang baryang nakuha ni Annabeth sa halamanan. Dito ay nakilala nila ang asawa ni Hades na si Stephanie.

Sa pagharap nil kay Hades ay ibinalik na nito si Sally. Dahil sa naganap ay natuklasan ni Hades na nakatago lamang ang lightning bolt sa kalasag na gamit ni Percy. Dahil dito ay nagalit si Hades. Kinuha nito ang lightning bolt at itinutok sa kanila kung kaya’t hindi sila nakalaban. Kinuha naman ni Stephanie ang lightning bolt kay Hades at pinatamaan nito iyon.

Dahil sa tatlo ang perlas na dala nina Percy kailangan mag sakripisyong isa sa kanila na maiwan sa underwater pinili ni Grover na magbigay-daan kina Anabeth, Percy, at Sally kaya’t siya ang naiwan sa underworld. Pagdating nila sa Mt. Olympus ay nakalaban ni Percy si Luke. Umamin si Luke na siya ang “Lightning Thief”. Kaunti na lang ang nalalabing oras ni Percy upang maibalik sa Olympus ang lightning bolt. Kaya’t kinalaban niya si Luke. Ntalo niya ito at pumunta na silang tatlo sa Olympus bago mahuli ang lahat.

Naibalik niya kay Zeus ang lightning bolt na pag mamay-ari nito. Nagkaroon si Annabeth ng pagkakataon na makausap ang kanyang inang si Athena. Nakausap din nila ang ama ni Grover at hiniling nila ditto na ibalik si Grover , Gayundin naman ay nakausap din ni Percy ang kanyang amang si Poseidon.
Nakabalik sila sa Camp Half blood at nakabalik na din ditto si Grover. Ipinagpatuloy nila ang pag-eensayo.

Sa bahay naman nina Gabe at Sally ay tuluyan ng umalis si Sally . Nag-iwan siya ng mensahe sa may pinto ng refrigerator na ang naksaad ay huwag buksan. Ngunit binuksan ito ni Gabe ngunit huli na ang lahat dahil siya’y nagging baton a pagkat ang nasa loob ng ref ay ang ulo ni Medusa.

Thursday, February 3, 2011

Futuristic Story

Sa Likod ng Mga Ulap
CraziNISE Princess
                 May limang magkakaibigang nagmula sa pang sekondaryang paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Kasalukuyan ay nasa ika- tatlong taon na sila. Mula sa unang taon palang ay matalik na silang magkakaibigan. Sila ay sina Livea, Sahara, Shilane, Jane at Den. Masasabing perpekto ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngaun maliban nalang ng tinamaan ng hindi inaasahang malalang sakit ang isa sa kanila, si Shilane. Ang tawag sa naging sakit niya ay “I LOVE YOU VIRUS”. Ito ay isang sakit sa puso na ang tanging makakagamot ay isang artipisyal na puso na magmumula sa mga taong malapit sa kanyang puso. Dahil sa hindi nakapagtapos ang mga magulang niya kaya napagpasyahan ng apat na sila na lamang ang gagawa ng artipisyal na puso para sa kanilang kaibigan.
                “Jane sa tingin mo kaya kaya natin na gumawa ng artipisyal na puso para kay Shilane?” ani Livea.
                 “Kakayanin natin para sa kaibigan natin. Hindi natin hahayaan mapahamak ang kaibigan natin. Gagawa tayo ng paraan.” ani naman ni Jane bilang tugon sa tanong ng kaibigan.
                   “Oonga naman. Tama si Jane.” wika naman ni Den.
                   Talagang masasabing napakatibay ng samahan nila na maging hanggang sa pagkakasakit ng isa sa kanila ay nagtutulungan parin sila. Hindi nila hahayaan na may mapahamak ni isa man sa kanila. Nagtulungan silang apat na magkakaibigan upang gumawa ng artipisyal na puso para kay Shilane. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay lingid sa kaalaman ni Shilane. Pinasimulan ni Sahara ang lahat hanggang sa matapos nila ito sakto sa oras. Natapos nila iyon isang araw bago ang ikalabing-limang taong kaarawan ni Shilane. Ito ang magsisilbi nilang regalo sa kaibigan at sa pamilya nito.
                    “Dok, heto na po ang artipisyal na puso na kailangan ni Shilane.” wika ni Sahara.
                    “Mabuti naman at nagawa niyo ito ng nasa oras. Napakagaling niyo. Malaking tulong ito para sa inyong kaibigan.” sabi naman ng doctor.
Isinagawa na ng doctor ang operasyon at sa kabutihang palad ay nagtagumpay sila artipisyal man ang nagging puso ng kanilang kaibigan ngunit hindi parin nagbago ang kanilang kaibigan. Nanatili parin siyang mapagkubaba.
                     Idinaos nila ang kaarawan nito sa ospital habang ito ay nagpapagaling. Para sa kanila ito na ang pinakamasayang pagdaraos ng kaarawan ng kanilang kaibigan.
                      Ito ang isang sitwasyon kung saan salikod ng ulap ay matatagpuan parin ang araw.