Tuesday, February 1, 2011

Article

Ecotour sa Los Banos,Idinaos
                 Idinaos ang ecotour ng III-Science mula Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School noong noong nakaraang feb 16,2011 sa ika-8 ng umaga sa los banos, Laguna. Ginananapito upang ang mga mag-aaral ng III-Science ay magkaroon ng ideya sa kanilang gagawing Science Investigatory Project. Sumasakop ito sa kanilang subject na Biotech(Research). Magiging malaking tulong ang nasabing ecotour sa kanilang SIP.
                 Unang pinuntahan ng mga mag-aaral ang BIOTECH. Dito ay binigyan sila ng iba’t-ibang lecture tungkol sa mga produktong kanilang dinidevelop. Tuladna lamang ng mga pataba na may sangkap na mikrobyo na tutulong sa iba’t-ibang uri ng halaman tulad ng mais,bigas,orchidat iba pa. Nagtitinda din sila ng mga sangkap katulad nalang ng Renneth nila na sinasabing sangkap sa pampapatigas ng cheese. Kasama sa mga produkto nila ang toyo,patis,wine,tinapay at iba pa. Ayon sa kanila ang mga estudyanteng tulad ko na nagawang Sip ay maaring magpatulong sa kanila upang mas mapag aralan ang kanilang SIP. Dito ay tutulungan sila ng mga Researchers ng BIOTECH.
                  Ang Ikalawa nilang nagging destinasyon ay ang xylarium ng FDRI kung saan itinuro sa amin ang apgkaklasipiko ng family genius ng mga puno. Dito ay iba’t-ibang an gaming natutunan. Ipinakita samin ng aming lecturer ang kanilang koleksyon ng iba’t-ibang punong kahoy. Nagpunta rin kami sa kanilang pagawaan ng papel. Hindi ito basta –basta dahil ginagawa nila ay mano-man. Tinuruan kami kung pano gumwa ng papel.
Pagkatapos sa FDRI ay nagpunta kami sa Jamboree kung saan kami ay nag hiking sa matarik na bundok. Kahit hirap kami ay ayos lang dahil kitang-kita ang buong Los Banos sa tuktok nito. Narating naming ito ng may mga ngiti sa labi kahit pagod man. Halos pitong kilometro din an gaming nilakad upang maakyat at baba sa bundok nito.
                    Pagkatapos ditto ay dumeretso na kami sa DOST upang pag-aralan ang iba’t-iabng SIP ng iba’t-ibang eskwelahan sa Pilipinas. Ito ay makakatulong samin upang magka-ideya sa maaring magandang title n gaming SIP. Humanga kami sa galing ng mga estudyante na gumawa ng SIP na aming nabasa.
Matapos n gaming pumunta sa DOST ay dumiretso kami sa IBP kung saan ipinakita at ipinakilala samin ang mga paraan ng pagpapalago ng halaman. Isana ditto ang pagpapadami ng Earthworm upang mag fertile ng kanilang pananim. Alam naman natin na ang mga bulate lalo na ang Earthworm ay tumutulong sapag fertile ng lupa. Sila ay isang “Agent” sa paglaki ng mga halaman.
                      Agaw man naming natapos ang araw na iyon ay natapos parin ito. Punong –puno ng kaalman ang nagging karanasan naming sa ecotour na iyon. Magiging isa yon sa mga ehemplo kungpaano kami makakagawa ng isang epektibong,maganda at kapakipakinabang na SIP.

No comments:

Post a Comment