Wednesday, February 2, 2011

Article

Buhay Estudyante
                Ang pagiging estudyante ay hindi biro. Maraming responsibilidadang isang estudyante. Lalo na ang maging high school. Kung iisipin, sabi nila high school life daw ang pinakamasaya pero mahirap din kung tutuusin. Masaya kapag kasama ang barkada pero pagdating sa sa klase ay mahirap. Hindi basta-basta ang maging estudyante, may kaukulang aksyon ang lahat ng iyong magiging hakbangin. Ikaw ang gagawa ng sarili mong landassa pag-aaral, ito ay kung pagbubutihin mo o hindi. Ang lahat ng desisyon ay nasa sayo. Parte ng pagiging estudyante ang mga ups and downs mo. Hindi lahat ng oras ay nasa taas ka, may mga pagkakataong mapupunta ka sa ibaba pero kung ako  ang tatanungin di ko hahayaang manatili sa ibaba babangon ako at ipagpapatuloy anuman ang aking nasimulan. Diyan pumapasok ang papel ng iyong mga kaibigan.
                Sila ay hindi mawawala sa parte ng isang estudyante.sa una ay basta mo lang siula kakilala, kaklase at minsan pa nga ay katabi sa upuan hanggang sa magkausap kayo maging malapit sa isat isa. Sila ang tutulong sayo sa oras ng iyong kagipitan. Ang tunay na kaibigan ay di mangingiming tumulong sa kahit na anong oras. Sabi nga “NO MAN IS AN ISLAND.” Ito ay isang patunay na walang taong nag iisa. Kung iyong titignan, sa paaralan kapag pumasok ka, wala kang makikitang estudyante nag iisa o nagsosolo.
                Isa pang may mahalagang papel sa mga estudyante ay ang mga guro. Sila ang gumagabay sa bawat estudyante. Sila din ang nagtutro ng magandang asal at mga makabuluhang bagay na dapat malaman ng mga estudyante. Sa kanila, hindi mahalaga kung gaano kaliit ang kanilang sweldo ang mahalaga ay ang kaalaman na may natuturuan at nagagabayan silang estudyante patungo sa tamang landas. Ganyan ang maga guro, talagang huwaran ika nga.
                Syempre hindi mawawala sa buhay ng estudyante ang pagbubulakbol. Kahit ang mga estudyanteng nasa pinakamataas na seksyon ay hindi maiwasan ang ganitong gawain. Minsan ginagawa nila ito upang magpahinga, upang malayo sa hassle sa pag-aaral. May iba naman na talagang kinatatamadan ang pag-aaral kung kayat nagbubulakbol nalang. Saying lang ang hirap at pagod na ginagawa ng kanilang mga magulang sa pagtatrabaho upang maitaguyod ang pag-aaral nila.
                Nabanggit narin lang ang mga magulang, syempre hindi mawawala ang ating mga magulangsa mga taong may mahahalagang papel sa ating buhay estudyante. Sila ang unang nagiging guro ng mga estudyante bago tumuntong sa paaralan. Sila ang nagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak. Sila din ang laging nakasuporta sa mga ginagawa ng kanilang mga anak.
                Buhay nga naman ng mga estudyante, talagang hindi biro. Ang daming pagsubok, puro kalokohan. Talagang kapag estudyante ka dinadaan nalang sa tawa ang mga problema. Pero kahit magkanda bagsak-bagsak na ginagawa parin ang lahat makapasa lang. buhay

estudyante nga naman, nakakatawa pero totoo…

No comments:

Post a Comment