Sunday, February 27, 2011

Talambuhay


Talambuhay ng CraziNISE Princess na si Maria Denise Dealino

                Ako si Maria Denise M. Dealino, ipinanganak sa Lungsod ng San Pablo noong ika-11 ng Enero taong 1996. Anak nina Danilo V. Dealino at Mary Jane M. Dealino. Panganay sa dalawang magkapatid. Ang bunso ay si Darell John M. Dealino. Una kaming tumira sa Sambat ngunit lumipat kami sa Brgy. Sta MariaMagdalena noong ako ay limang buwan pa lamang. Doon ako nagdaos ng aking unang kaarawan kasama ang aking buong pamilya. Wala pa akong isang taon nakalalakad na ako  at ilang buwan bago ako magdalawang taon ay nakakapagsalita na ako.
                Sabi ng aking mga magulang ay magiliw  na magiliw daw sakin ang aking lolo at lola dahil ako ang kanilang unang apo na babae. Natuwa naman ako sa kaalamang itodahil kahit lagi nila akong pinapagalitan dati ay mahal nila ako at gusto lang nila akong itama. Sa aking natatandaan tatlong taong gulang palang ako ay tinuturuan na ako ng aking ina na isulat ang aking buong pangalan , edad at pangalan nila ng aking ama.
                Apat na taon ako ay marunong na akong magbasa at alam ko narin ang mga letra sa alpabeto. Ginagabayan nilang mabuti ang aking pag-aaral kahit di pa ako napasok sa eskwelahan. Tinuturuan nila ako ng magandang asal tulad na lang ng pagmamano sa nakatatanda at paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga mas matanda sakin. Marami silang naituro sakin kaya’t bago ako pumasok sa paaralan ay may alam na ako.
                Hindi ko makakalimutan noong bata pa ako ang regalo sakin ng aking mga magulang noong ikalimang kaarawan ko. Isa iyong telebisyon. Iyon ang telebisyon na ipinangako nila sakin dahil simula noong ipanganak ako ay wala kaming t.v. hindi naman kami mayaman ngunit hindi rin mahirap, tama lang pero lumaki ako na sunod ang luho kaya kahit anong hingin ko ay ibinibigay nila. Siguro kaya nila ako pinalaki na ganoon dahil ako palang naman ang anak nila. Hanggang sa ipinanganak ang aking bunsong kapatid na si DJ. Ang atensyon na dati kong nakukuha mula kina mommy at daddy ay pansamantalang nawala dahil narin sa sabik silang magkaroon ako ng kapatid. Dahil dito nawili ako mamalagi sa bahay ng aking lola.
                Nagsimula ang pasukan sa kinder lagi nila akong hinahatid sa umaga at kinakaon sa hapon. Pagkatapos ko sa eskwelahan ay diretso agad ako sa aking kapatid upang ito ay alagaan. Dahil dito bihira nalang akong makipaglaro sa aking mga pinsan ng bahay-bahayan.
                Ganun parin ang Gawain nina mommy at daddy noong ako ay mag elementarya. Sabi ng mga guro ko ay napaka aktibo ko daw sa paaralan at napakadaldal. Natapos ko ang unang baitang at ako ay naging 2nd achiever. Noon naming nasa ikalawang baitang ako , hindi ko makakalimutan noong pinaiskwat kami ng aking guro dahil sobrang ingay naming magkakaklase. Nakakatakot magalit ang aking guro ngunit napakagansda niya kapag hindi sya galit at kapag siya ay nakatawa. Ngunit kahit nangyari iyon natapos ko ang ikalawang baitang na ako ay 2nd honor. Napakasaya ko noon dahil dati ako ay achiever lang pero naging honor.
                Noong ako ay nasa ikatlong baitang ay napakaganda at napakabait ng guro naming. Dalaga pa siya noon. Siya ay si Bb. Belen B. Belen. Napakagaling niyang magturo. Hanga ako sa tiyaga niya sa pagtuturo sa amin kahit pa kami ay may pagkamagulo. Lagi kami noon nasali sa iba’t ibang kumpetisyon sa eskwelahan at kahit sa labas ng aming paaralan. Hindi ko makakalimutan ang pagsali ko sa Battle of the Stories na ginanap noon sa Sta. Felomina. Hindi ako makapaniwala ng ako ay manalo. Natapos ko ang ikatlong baitang at dito ako ay  naging 2nd honor muli.
                Dumating muli ang pasukan at ako ay nasa ikaapat na baitang na. Dito ay marami na akong dapat gawin upang mapanatili ang aking pwesto sa honor. Kung saan-saan ako noon sumasali upang magkaroon ng tinatawag na extracurricular activities. Dito ako nakaranas na maging president ng aming klase.
                Mahirap man supilin ang kalokohan ng aking mha kaklase pero ayos lang naman dahil isa naman itong masayang karanasan. Sa tingin ko naman ay nagampanan ko ng ayos ang aking tungkulin  dahil ginawa ko ito sa abot ng aking makakaya.  Natapos ko ang ikaapat na baiting ngunit ditto ay 3rd honor na lang. Ngunit di ako naka attend ng recognition dahil kasabay ng recognition ang pagdating ng tita ko galing sa Chicago.
                Nagbakasyon ako sa bahay ng lola ko upang makasama ang aking tita ko dahil halos limang taon ito hindi umuuwi. Wala kaming ibang noon kundi ang mamasyal,magpunta sa mall at kung saan-saan pa. Mabilis lumipas ang araw kailangan ng bumalik ng tita ko sa Chicago. Pagkauwi ng tita ko ay umuwi narin ako samin.
                Hindi nagtagal ay nagpasukan na muli. Ako ay nasa ika-limang baitang na. Mabilis limipas ang mga araw at recognition na dito ay naging 3rd honor ulit ako.
                Pagkatapos ng bakasyon balik eskwela na naman. Nasa ika-anim na baitang na ako at ang kahuli-hulihang baitang sa elementary.
                Mabilis ang mga araw na nagdaan at eto na at gagraduate na ako sa elementarya. Hindi man naming gusto magkahiwahiwalay na magkaklase ngunit kailangan dahil kami ay magtatapos na. Ang araw n gaming pagtatapos ay parang araw ng mga luha dahil ito ang huling araw naming magkakasama. Ginawa namin ang lahat ng pede naming gawin upang masulit  naming  ang araw ng aming pagtatapos.
                Hindi natapos ang pagkakaibigan naming dumaan ang bakasyon at maka ilang ulit kaming magpicnic sa bahay ng kaklaseko minsan pa nga nagpunta kami sa tabing ilog upang doon ay mag picnic.
                Kumuha ako ng exam sa Dizon High para sa Science Section at sa kabutihang palad ay nakapasa ako. Dito na nag simula ang aking bagong buhay sa High School. Sa unang araw ng pasukan medyo nagkakahiyaan kaming 15 na magkaklase. Sa ikalawang araw ng pasukan ay nadagdagan kami ng 20 pang estudyante mula sa 1-A.
                Nagsimula ang bagong pagkakaibigan sa aming mga bagong kaklase. Sa simula pa lang ng pasukan ay naging magkakaibigan agad kami. Nagkaroon din samin ng mga munting di pagkakaintindihan ngunit agad din itong naayos bago matapos ang isang taon. Di din miiwasan magkaroon ng bagong mga honors.
                Dahil na rin sa ako ay high school na kinailangan ni mommy na mangibang bansa upang mapag aral kami ng aking kapatid. Noong una ay mahirap pa ito para sa akin at pinipilit parin naming sanayin an gaming mga sarili na wala sya sa aming tabi. Unang beses ko noong magdaos ng kaarawan na wala si mommy.
                Dumating muli ang pasukan. Ako ay nasa 2nd year high school na mula sa 35 ay naging 33 na lng kami dahilnagtransfer ang dalawa sa kanila. Nagpatuloy ang pakilala naming lahat sa isat isa. Dito ay may mga bagong pagkakaibigang nabuo mula sa aming magkaklase. Kung dati ay may T.S.I.L ngayon ay nagkaroon ng ibang grupo tulad na lang ng grupong artista. Kami yun nina lieva. Meron din naman PCG kami naman un nina Kim r. Sa dami ng bagong grupo pinagsasabihan kami ng guro namin dahil hindi daw maganda na magpangkatan kami dahil isa na daw kaming pangkat. Ngunit kahit ganoon andun parin ang ibat ibang pangkat at di nawawala.
                Di din mawawala sa amin ang kompetisyon sa pagiging 1st honor  ang titulong ito ay pinaglalabanan nina lieva at marian at sa aking natatandaan ay c marian ang naging 1st honor noong 2nd year high school kami.
                Nang magbakasyon ay ginugol ko ang buong 2 buwan sa cabuyao, Sa bahay ng aking lola. Dito ko na nakasanayan magbaksyon taon taon upang kahit papano ay mapalayo sa aking paaralan. Dito ay tumutulong ako sa aking titan a alagaan ang kanyang dalawang cute na cute na anak na sina ian rovic at erah lujille . Isa sila sa mga dahilan kaya nawiwili akong magbakasyon dito.  Di din mawawala ang pamamasyal naming magpipinsan. Minsan ay niyaya kami ng aming tito na pumunta sa UP napakaganda dito talagang napakalaki din.
                Matapos ang halos dalawang buwan kong bakasyon ay umuwi na ako samin bago mag fiesta dahil inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase, ngunit sa lahat ng mga sinabihan ko isa lang ang pumunta at iyon ay si recy.
                Matapos ang bakasyon ay parang mabilis na hinila ang mga araw at ngayon ako ay 3rd year high school na. Kaysarap isipin na sa tinagal tagal ko ng pag aaral ay malayo nadin ang aking nararating at nagbubunga na ang aking mga pag hihirap. Sinasabi din na 3rd year ang pinaka mahirap, at totoo nga iyon. 3rd year din ang pinaka malungkot dahil sigurado na kami mababawasan na naman magkaklase . Mukhang record breaking pa nga eh. Kayat hanggat maari nilulubos na naming ang mga araw na kami ay magkakasama.
                Kamakailan lamang ay idinaos an gaming js. Sinisigurado naming na di matatapos ito ng di kami Masaya bawat oras na lumilipas  ay wala kaming inaaksaya.
                Pagkatapos ng js at nag eco tour ang buo naming section upang magkroon kami ng idea sa gagawing SIP o Science Investigatory Project. Madami kaming napuntahan na lugar parang naging bonding na ito sa aming buong section kasama si Mr. Legaspi an gaming teacher sa research.
                Pagkatapos n gaming ecotour ay hinarap muli naming ang isang dib dibang pag aaral halos di ko na nga namalayan na nag 15 na pala ako dahil sa sobrang busy ng aming schedule. Matapos ang ilang mga araw ay dumating ang isang gabi ng pahinga , Ito ay ang gabi ng concert napakasaya ng naganap na concert. Sa una ay nag iyakan an gaming barkadahan ngunit nakabawi din naman ng magsimula ang kasiyahan
                Heto na , nalalapit na ang muling pagtatapos ng school year na ito. Bakasyon na naman pero bago ito haharapin muna naming ang semi final at finals. Kinakabahan ako dahil papalapit na ng papalapit ang araw ng patatapos.
inabot ako ng 12 para mataopos ang aking talambuhay
                Matatapos na ang mga 4th year ngayong taon  kasama sa mga magtatapos ang aking naging inspirasyon sa mga bagay na ginagawa ko . di naman mawawala sa high school life ang umibig syempre lagi lng yan nandyan. Siguro nga ay bata pa kami at alam kong dadating din kami sa tamang edad. Sa ngayon ay sya ang aking magiging inspirasyon sa lahat ng aking gagawin. Siya ay si Frank Campos Jr J

No comments:

Post a Comment